^

Metro

4 na foreign sex offenders naharang sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat na mga foreign sex offenders na nahatulan ng sex crimes sa kanilang bansa.

Sinabi ni Dana Sandova, tagapagsalita ng BI, ang mga pasahero na kinabibilangan ng isang Australian, dalawang Amerikano, at isang German ay hindi pinapasok sa NAIA terminal 1 at 3 sa magkahiwalay na okasyon.

Batay sa record, ang Australian na si Romeo Monje, 89, ay dumating sa paliparan sakay ng flight ng Philippine Airlines mula Sydney. Si Monje ay iniulat na hinatulan sa Australia ng walong bilang ng indecent assault kung saan ang biktima ay 16 taong gulang lamang.

Inalerto ang BI tungkol sa nalalapit na pagdating ni Monje ng national central bureau ng Interpol sa Maynila na nakatanggap ng tip mula sa Australian counterpart nito hinggil sa kanyang paglalakbay sa Pilipinas.

Ang American nationals na si John Kenneth Hayes, 48 at si Sherman Elliot Douglas, 64, ay sabay na dumating sakay ng Eva Air flight mula Taipei.

Ayon sa border control at intelligence unit (BCIU) ng BI, hinatulan ng korte sa Florida si Hayes noong 1998 dahil sa paggawa ng malaswang pag-atake at sekswal na baterya laban sa isang 16-taong-gulang na biktima.

Ipinakita naman ng public documents ng US na si Douglas ay nahatulan noong 2020 para sa ikatlong antas na sekswal na pagsasamantala sa isang menor de edad.

Si Ralf Bultschnieder, isang German national ay dumating sa NAIA sakay ng Turkish Airlines flight mula Istanbul.Pinigil ito ng mga opisyal ng imigrasyon matapos makatanggap ng impormasyon sa paniktik sa kanyang posibleng pagkakasangkot sa mga aktibidad at gawaing pagsasamantala. Bilang resulta ng kanilang pagbubukod, ang apat ay inilagay sa immigration blacklist bilang undesirable aliens na patuloy na pinagbawalan na makapasok sa bansa.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with