Heightened alert sa Metro Manila, ipatutupad na
MANILA, Philippines — Isasailalim na sa heightened alert ang mga pulis sa Metro Manila sa Semana Santa, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Jose Melencio Nartatez Jr. nitong Martes.
Sa pahayag ni Nartatez sa NCRPO headquarters in Camp Bagong Diwa, Taguig City, kasabay ng isinagawang mass wedding ng may 53 NCRPO police officers na nabigyan ng P20,000 cash gift bawat couple.
Sinabi rin ng NCRPO chief na kanilang ima-maximize ang paggamit ng kanilang resources, equipment, logistics, gayundin ng kanilang mga tauhan, para matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng Semana Santa.
Gayunman, wala pa namang banta sa seguridad na namomonitor ang NCRPO sa ngayon subalit hindi aniya, nila pabababayaan ang patuloy na pagbabantay.
“Metro Manila will remain to be at the lowest threat level. Threat level 1 is the lowest,” ani Nartatez. “In fact, we are employing the highest security measures in Metro Manila,” dagdag nito.
Ipapakalat naman aniya, ang di bababa sa 12,000 kapulisan para sa seguridad sa Semana Santa.
- Latest