^

Metro

Akusado sa Percy Lapid slay na si Zulueta, patay na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Akusado sa Percy Lapid slay na si Zulueta, patay na
The photo shows veteran journalist Percy Lapid.
Screengrab from LAPID FIRE ni Percy Lapid / YouTube

MANILA, Philippines — Pumanaw na sa edad na 42 ang isa sa akusado sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid na si Ricardo Zulueta, ang deputy security officer ng Bureau of Corrections (BuCor).

Iniulat ng pulisya na idineklarang patay dahil sa heart failure si Zulueta alas-11:00 ng gabi ng Marso 15, matapos isugod ng kaniyang kapatid na si Ronald sa Bataan Peninsula Medical Center, sa Dinalupihan, Bataan.

Si Zulueta ay kapwa akusado ni dating BuCor chief Gerald Bantag, na sinampahan ng kasong two counts of murder kaugnay sa pagkamatay ni Lapid at ng diumano’y middleman na si Jun Villamor.

Kinasuhan din ng Department of Justice ang self-confessed gunman na sina Joel Escorial, Israel Dimaculangan, Edmon Dimaculangan, at isang Orlando bilang mga principal sa pamamagitan ng direktang partisipasyon.

Kinasuhan din ang ilang person deprived of liberty (PDLs), kabilang ang mga Mayor ng Denver, Alvin Labra, at Aldrin Galicia, na umano’y nag-orkestra sa pagpatay kay Lapid sa pamamagitan ng kanyang gang members at mga kontak nito sa labas ng New Bilibid Prison.

Matatandaang si Lapid ay napatay sa pamamamril noong Oktubre 3, 2022 habang si Villamor ay namatay naman sa loob ng NBP noong Okt. 18, 2022.

vuukle comment

BUCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with