^

Metro

500 e-modern jeepneys galing Korea, aarangkada

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
500 e-modern jeepneys galing Korea, aarangkada
Modern jeepneys set for dispatching are parked at a gas station on Sept. 13, 2022 along JP Rizal in Marikina.
The STAR / Walter Bollozos, file

Sagot sa problema sa PUV modernization

MANILA, Philippines — Sa lalong madaling panahon, asahan na ang pag-arangkada ng mga electric modern jeepneys sa mga lansa­ngan sa bansa matapos na ­ipakilala ang daan-daang makabagong jeepneys mula Korea.

Kasunod ito sa pag­hayag ng tulong ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson sa Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) para pondohan ang e-modern jeepneys.

Sa ginanap na Kapihan sa Quezon City, sinabi ni LTOP President Orlando Marquez na may sagot na sa kanilang problema sa “PUV modernization” matapos na aprubahan ni Singson ang nasa 500 e- modern jeepneys na galing Korea.

Ayon naman kay Singson, handa siyang tumulong para sa PUV modernization upang hindi mapag-iwanan ang Pilipinas. Aniya, ang modern jeepney na kanilang ila­labas ay hango pa rin sa tradisyunal na itsura ng mga pampasaherong jeep subalit nilakihan lamang at ginawang airconditioned.

Sinabi ni Singson na walang downpayment, zero interest at mababang amortization sa modern jeepney kung saan ang LTOP ang siyang mamamahala.

Nais lamang ni Singson na sinsero ang mga driver sa paghuhu­log upang umikot ang pondo para sa mga susunod na mangangai­langan.

Sa katunayan, magkakaroon din ng mga charging stations para sa mga e modern jeepney sa sandaling magsimula ito.

Umaasa naman si Marquez na mas lalaki na ang kita ng mga dri­ver at hindi na mag-uunahan pang makakuha ng pasahero na nagdudulot ng aksidente.

Giit naman ni Marquez na hinihikayat na nila ngayon ang mga operators na kumuha ng loan program upang unti-unting mapalitan ang lumang unit at maiwasan ang paglala ng epekto ng climate change.

Dagdag pa ni Singson, suportado niya ang anumang mga proyekto para sa kapakanan ng publiko at makakatulong sa pamahalaan.

vuukle comment

JEEPNEY

PUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with