^

Metro

Bogus buyer arestado ng ACG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinakip  ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang isang 31-taong gulang na babae na nakakulimbat   ng P230,000 halaga ng imported goods mula sa isang online seller, gamit ang mga pekeng bank transaction receipt.

Kinilala ni ACG Cyber Response Unit Chief PCol. Jay Guillermo ang suspek na si Mayumi Jane Ocubo, alyas Sofia Lim, ng Pilar Village, Las Piñas City.

Sa reklamo ng biktimang si Camille Arcibal, unang  bumili ng P1,200 halaga ng produkto ang suspek sa kanyang live online selling ng Thailand at Japan Clothing products noong Oktubre 23, kung saan nagbayad ito sa pamamagitan ng bank transfer at ipinadala ang bank transaction receipt.

Nasundan pa ito ng maraming order na umabot sa P237,000 ang kabuuang halaga, na binayaran din ng suspek sa parehong paraan.

Bineripika  ng biktima ang mga transaksyon sa kanyang Bank account, natuklasang peke ang mga transaction receipt na pinadala ng suspek.

Dahil dito, nahaharap ang suspek sa kasong swindling /estafa, kaugnay ng R.A. No. 10175 o Cybercrime prevention Act of 2012.

ACG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with