^

Metro

Foreman, patay sa pagsabog ng acetylene tank

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang foreman ang nasawi nang sumabog ang isang acetylene tank habang nagwe-welding sa Quiapo, Manila, kahapon ng umaga.

Ang biktimang si Emilio Esplago, foreman ng Alleyway Construction, ay binawian ng buhay bunsod ng tinamong mga sugat sa iba’t- ibang bahagi ng katawan dulot ng pagsabog.

Batay sa ulat ng Barbosa Police Station 14 (PS-14) ng Manila Police District (MPD), dakong alas-10:40 ng umaga nang maganap ang insidente sa Estero De Quiapo, na matatagpuan sa Arlegui St., sa Quiapo.

Sa imbestigasyon ni PSSg Jeus Cris Jacalne, lumilitaw na kasalukuyan umanong ginagamit ng biktima ang isang welding machine nang maganap ang pagsabog na nagresulta sa matinding pagkasugat nito at pinsala sa lugar.

Naisugod pa ang biktima sa Jose Reyes Memorial Hospital ngunit binawian din ng buhay.

vuukle comment

MANILA

QUIAPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with