12 huli sa illegal online gambling
MANILA, Philippines — Nasa 12 indibidwal ang dinakip ng pulisya dahil sa operasyon ng ilegal na online gaming sa loob ng isang subdibisyon sa Parañaque City, ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Sinabi ni PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco, dinakip ang 12 suspek ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at ng Anti-Cybercrime Group of the Philippine National Police (PNP) kasama ang PAGCOR monitoring team sa pagsalakay sa illegal online site sa loob ng BF Northwest Subdivision.
“The raiders were armed with a warrant to search, seize and examine operations of computer data against the suspects who were caught red-handed while operating the illegal online gaming platform https://www.tbb888.com or the Big Bet,” ayon kay Tengco.
Nakumpiska sa ilegal na gaming site ang mga slot machines, live casino e-sports, at iba pa. Aabot din sa 11 computer sets, 21 mobile phones, dalawang iPads, anim na laptop computers and flash drives.
Ayon sa PAGCOR, nag-o-operate ang iligal na online site sa subdibisyon na tinitirhan ng mga prominenteng politiko at maging mga malalaking negosyante sa bansa.
Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga nadakip na suspek sa Parañaque Regional Trial Court.
- Latest