^

Metro

Police Major sa ‘missing’ beauty queen, laya na sa PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Police Major sa ‘missing’ beauty queen, laya na sa PNP
Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon in this photo on her Instagram on October 1, 2023.
Catherine Camilon via Instagram

MANILA, Philippines — Wala na sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) si Police Major Allan de Castro,  ang  pulis na sinasabing ‘utak’ sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.

Ito ang kinumpirma ni PNP chief Police Ge­neral Benjamin Acorda Jr. matapos na masibak sa serbisyo si De Castro.

“Since he was dismissed from the service, he is now released from our custody. Kumbaga, wala na siya. But still the criminal case will be pursued by the PNP,” ani Acorda.

Enero  16 nang  siba­kin ng PNP si De Castro sa serbisyo dahil sa kasong conduct unbeco­ming of a police officer, bunsod ng pagkakaroon ng illicit at extramarital affair kay Camilon.

Gayunman, sinabi ni Acorda na patuloy nilang imomonitor ang kilos ni De Castro upang agad itong madakip sakaling maglabas ng  warrant of arrest ang  korte laban dito.

Nahaharap sa kasong criminal na kidnapping at serious illegal detention  si De Castro,  driver -bodyguard na si Jeffrey Magpantay, at dalawang John Does dahil sa pagkawala ni Camilon.

Matatandaang Oktubre 26, 2023, nang  ikustodiya ni Police Regional Police Office 4A PBGen. Paul Kenneth Lucas si De Castro matapos na masangkot at maging person of interest sa kaso ni Camilon.

Batay sa record, si De Castro ang kikitain ni Camilon bago ito na maiulat na nawawala. Si De Castro rin ang nagbigay ng sasakyan kay Camilon.

Ilan din sa mga saksi ang nagbigay ng testimonya na nakita nila ang paglilipat kay Camilon sa ibang sasakyan kung saan naroon si Magpantay.

Positibo rin ang  resulta ng DNA test sa dugo at hibla ng  buhok na nakuha sa sasakyan.

MISSING

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with