PNP-ACG: SIM card registration, nagpababa ng cybercrime

MANILA, Philippines — Naniniwala ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na malaki ang naitulong ng SIM card registration sa pagbaba ng cybercrime sa bansa.
Ayon kay PNP-ACG Director Police BGen Sydney Hernia, pinatunayan ito ng datos mula Agosto hanggang Disyembre 2023.
Nabatid na umabot lang sa 6,385 ang cybercrime ang kanilang naitala na mas mababa kumpara sa 14,893 na cybercrime cases na naitala mula Enero hanggang Hulyo 2023.
Umaasa silang magtuluy- tuloy ang pagbaba ng cybercrime dahil namomonitor ang mga nanloloko at nananamantala gamit ang kanilang mga cellphones.
Paliwanag ni Hernia, naging epektibo ang kanilang deactivation process para sa unregistered SIM cards na sinimulan noong Hulyo 26, 2023.
Dahil aniya sa SIM Registration Act, naobliga ang mga prepaid at postpaid SIM cards users na sumunod sa regulatory measures ng mga telecommunication companies.
Dagdag pa ng PNP-ACG, kailangan ang kooperasyon ng publiko upang maiwasan na maloko at mamodus.
- Latest
























