^

Metro

Caravan protest ng PISTON at Manila hinarang sa España

Angie dela Cruz, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Caravan protest ng PISTON at Manila hinarang sa España
Ang ikinasang kilos-protesta ng grupong PISTON at Manibela na tumututol sa pagpapatupad sa PUV modernization sa isinagawa nilang caravan sa may Quezon Avenue.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagbanta ang jeepney group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na patuloy ang gagawin nilang pagkilos at protesta laban sa PUV Modernization.

Ito ayon kay Mody Floranda, Pangulo ng grupong Piston ay kung hindi papabor ang Korte Suprema sa kanilang inihaing petisyon .

Binigyang diin ni Floranda na hindi mangingi­babaw ang isang executive order sa isang batas na ibinigay sa kanila ng kongreso.

Samantala sinabi naman ng magnificent 7 na pabor sa PUV Modernization na tatanggapin nila ang mga tsuper na hindi na makakapasada oras na  hindi na pahihintulutan ng LTFRB na makapasada ang mga jeep na hindi nag-consolidate.

Nagkakaisang sinabi nina Obet Martin ng Pasang Masda, LTOP president Lando  Marquez, Altodap President Boy Vargas at Acto President  Libay de Luna na tutulu­ngan ng kanilang hanay na makapag maneho ang mga tsuper na mawawalan ng pagkakakitaan mula  sa grupong Piston ni Floranda at  grupong Mani­bela ni Mar Valbuena.

Sa February 1 sinabi ng LTFRB na considered colorum na ang mga passenger vehicle na hindi nag-consolidate .

Samantala, sa ikinasang caravan protest kahapon, hindi na hinayaan ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na makarating pa ng Mendiola ang daan-daang mga raliyista mula sa transport groups na Piston at Manibela na nagsimulang martsa mula sa Quezon City upang ipanawagan ang pagbasura sa PUV mo­dernization program ng gobyerno.

Sa may Welcome Rotonda malapit sa España sa Sampaloc pa lamang ay hinarang na sila ng mga awtoridad na armado ng mga shield ang mga demonstrador para hindi na sila makatuloy sa Mendiola na malapit sa Malacañang.

Dito nakipagdayalogo ang ground commander ng Sampaloc Police Station 4 sa mga lider ng mga raliyista. Ikinatwiran ng pulisya na hinaharang sila dahil sa kawalan ng “permit to rally” at dahil sa mga nakaraang kaguluhan na naganap sa mga rally nila noong nakaraang taon sa Mendiola.

Wala namang nagawa ang mga raliyista kundi ang magprograma na lamang sa Welcome Rotonda at ihayag ang saloobin nila laban sa sinasabing “phase out” ng mga tradisyunal na jeep kung maipatutupad ng gobyerno ang modernisasyon.

JEEP

PISTON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with