^

Metro

Monthly amortization ng modern jeep, hindi solong babalikatin ng drivers - DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Monthly amortization ng modern jeep, hindi solong babalikatin ng drivers - DOTr
Transport group Manibela and Piston stage a nationwide protest against the public utility vehicle modernization program along Quezon Avenue in Manila on January 16, 2024.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng isang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) na hindi solong babayaran ng mga indibidwal na jeepney drivers ang monthly amortization ng mga modernong jeepneys sa sandaling makuha na ang mga ito ng kanilang kinabibilangang koope­ratiba o korporasyon.

Ito’y sa ilalim pa rin ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na isinusulong ng pamahalaan.

Ang paglilinaw ay ginawa ni DOTr Office of Transportation Cooperatives (OTC) Chairman Andy Ortega kasunod ng mga ulat na ang buwanang bayad ng mga modernong jeepneys ay babayaran ng mga drivers.

Ayon kay Ortega, dahil kabilang na ang mga drivers sa kooperatiba at korporasyon, ang entity na ang magmamay-ari, bibili at magbabayad ng kanilang mga units.

“Sama-sama po sila. Hindi po tama ‘yung mga lumalabas sa ibang grupo na ‘yung driver will shoulder the vehicle price,” paliwanag pa ni Ortega, sa panayam sa radyo.

Dagdag pa niya, ang kooperatiba o korporasyon ay kailangang lumikha ng budget plan, kabilang na ang sweldo ng mga drivers, gayundin ng monthly amortization para sa mga units. 

Matatandaang kahapon ay nagdaos muli ng protesta ang ilang transport group upang tutulan ang PUVMP.

DOTR

JEEP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with