^

Metro

Mayor Abby, may balak tumakbong alkalde sa Taguig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mayor Abby, may balak tumakbong alkalde sa Taguig
Makati Mayor Abby Binay
Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Inamin kahapon ni Makati Mayor Abby Binay na isa sa opsyon ang kaniyang planong pagtakbo bilang mayor ng Taguig City sa 2025 midterm elections.

“It is an option. But it is at the bottom of my list,” sabi ni Binay nang tanungin hinggil sa naturang isyu.

“I don’t want to say ‘Yes, I’m running’ or ‘No, I’m not running.’ It’s on the list,” aniya pa.

Binanggit pa ni Binay na hinihintay pa niya ang ‘sign’ bago siya makapagdesisyon.

“There’s the corny saying that I’m still waiting for a sign. That’s really the truth. I’m still waiting for a sign. Not a miracle. I’m waiting for some divine intervention,” dagdag pa niya.

Paliwanag niya, magiging batayan o clear sign ay kung siya ay lilipat na ng tirahan sa Taguig subalit ito ay nangangailangan ng ‘di bababa sa isang taon na residency sa Taguig, na ang kapalit ay dapat din siyang magbitiw bilang alkalde.

“I cannot be a sitting mayor where I am no longer a resident. So I will have to resign and move my residency and voter’s registration to Taguig,” aniya.

Ang ‘sure sign’ na dapat hintayin para sa plano sa 2025 ay ang paglipat niya ng residency.

“So that’s probably something you’ll have to wait for. That will be the sure sign of my decision for 2025,” aniya.

Una nang nagpahiwatig si Binay ng planong tumakbo bilang mayor ng Taguig noong nakalipas na taon matapos isapinal na ng Korte Suprema ang desisyon na ang hurisdiksyon ng 10 embo barangay ay sa Taguig at hindi sa Makati.

Si Binay ay nasa huling termino na sa kaniyang posisyon.

vuukle comment

ABBY BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with