^

Metro

Isyung ‘destabilization plot’ ni Trillanes, chismis lang – DILG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Isyung �destabilization plot� ni Trillanes, chismis lang � DILG
Antonio Trillanes IV
STAR/File

MANILA, Philippines — Pawang chismis ang ibinunyag na destabilization plot ni dating Senador Antonio Trillanes IV laban kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos.

Ito naman ang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, kasabay ng pahayag na halos lahat ng mga nagdaang administrasyon ay may mga chismis tulad nito.

“Alam niyo ito lang, lahat halos ng administrasyon may mga ganyang tsismis. For the record sinasabi ko talagang there is no cre­dible threat,” ani Abalos sa isang ambush interview sa Camp Crame sa ginawa nitong pagdalaw sa burol ni Police Captain Roland Moralde.

Pagtitiyak ni Abalos, 100 percent na nandyan ang pulisya para suportahan ang administrasyon patunay umano nito ang pagiging abala nila sa trabaho tulad na lang ng kanilang mga huli sa iligal na droga.

Binigyan diin ni Abalos na halos araw-araw ay malalaki ang accomplishment mg mga pulis kaya wala ng panahon ang mga ito na makihalo pa sa destabilisasyon.

Hindi na rin umano dapat imbestigahan ang mga pinagsasabi ni Trillanes.

“There is no need na tingnan ‘yung mga revelations niya (Trillanes), siguro mga tsismis na alam mo naman mga tsismis na, it’s not a credible threat at all. Talagang as far as we are concerned binabalewala po namin ito,” saad pa ni Abalos.

Martes nang ibunyag ni Trillanes ang umano’y recruitment ng ilang mga retired at ilang aktibong opisyal ng PNP sa destabilization plot na kaalyado umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na siya umanong pasimuno.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES IV L

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with