^

Metro

Pinaigting pa na security operasyon, ikinasa ng NCRPO

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Police Major General Jose Melencio Nartatez ang pag-inspeksyon at pagmomonitor sa mga pampublikong lugar sa Metro Manila ngayong holiday season.

Muling nag-ikot si Nartatez na sinimulan noong Disyembre 20, sa mga istasyon ng MRT at LRT, mga terminal ng bus at jeepney, simbahan, pampublikong pamilihan, establisimyento, istasyon ng pulisya, mall at iba pang lugar ng convergence sa Metro Manila kung saan ang mga pasahero, mga turista, at mga mamimili ay inaasahang dadagsa.

Kabilang din sa ininspeksyon ang Baclaran Church, Baclaran Flea Market , LRT Line 1 Bacla­ran hanggang Carriedo Station, Quiapo Church, Quiapo Flea Market, LRT Line 2 Recto hanggang Araneta Center Cubao Station, Malls sa Araneta Center, Bus Terminals sa kahabaan ng EDSA.

Bukod dito, sumakay si Nartatez sa LRT upang masuri ang kasalukuyang kalagayan ng mga commuter at upang ilatag ang mga solusyon sa mga posibleng panganib sa panahon ng pag-commute.

Sa pagdiriwang ng kapaskuhan, ilang pulis din ang naka-deploy sa iba’t ibang pampublikong lugar na nagsasagawa ng patrolling, pinaigting na police visibility, checkpoints at pagtulong sa public assistant desks (PADS) na handang tumugon sa anumang emergency.

vuukle comment

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with