^

Metro

‘NCRPO Oplan Bantay Kalusugan’, inilunsad

Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang masiguro na nasa tamang pag-iisip at pangangatawan ang mga pulis sa Metro Manila, inilunsad ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief  PMGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. ang “NCRPO Oplan Bantay Kalusugan” sa Hinirang Multi-Purpose Hall, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Nabatid kay Nartatez,  ang proyekto ay alinsunod sa 7-point agenda ng  NCRPO  na layong pangalagaan ang kapakanan at moral ng  mga pulis  na sumasabak sa  iba’t ibang insidente at krimen sa  lansangan.

Ayon naman kay PBGen. Reynaldo Tamondong, Deputy Regional Director for Administration, kaila­ngan na mamonitor ang  pangangatawan ng  mga pulis upang maiwasan ang

overweight, obesity, at iba pang health issue na maaaring makaapekto sa kanilang  tungkulin.

Aalalay din ang “NCRPO Oplan Bantay Kalusugan” sa pamamagitan ng phy­sical fitness, lifestyle, dietary adjustments, at physical activity  upang makamit ang  normal na BMI.

Hindi maikakaila na may ilang mga pulis na  nakararanas din ng  depresyon at pagod sa trabaho.

vuukle comment

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with