^

Metro

Lalaking ‘tulak’ arestado; ka-live in kulong sa panunuhol

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Lalaking �tulak� arestado; ka-live in kulong sa panunuhol
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Kapwa kalaboso  ang mag-live in partner nang unang madakip ang lalaki  na nagbebenta ng shabu habang sinusuhulan  naman ng babae ang mga humuli sa una, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Nakilala ang mga nadakip na sina   Ri­chard James Gozum, 30 at Charlotte Garcia,  25, ng  Compound 6, door 8 Mauban Street, Brgy. Manresa, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PSMS Roberto  Salisi na nagsasagawa  ng anti-illegal  drug ope­ration ang mga pulis dakong alas-12:30 ng madaling araw sa Sto. ­Domingo Avenue  malapit sa  ­Makatu­ring Street, Barangay Manresa, Que­zon City at  unang naaresto si Gozum.

Habang isinasagawa ang inventory laban kay Gozum, dumating ang ka-live in nito na si Garcia at tinangkang suhulan ang isang pulis ng halagang P167,000  kapalit ng kalayaan ng una.

Agad na pinosasan ng mga pulis si Garcia at dinala rin sa nasabing police station.

Nahaharap si Gozum sa kasong paglabag sa RA 9165  habang paglabag naman sa Article 212 (Corruption of Public Official)  si Garcia.

vuukle comment

KALABOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with