NCRPO tiniyak ang maximum police visibility
Kasunod ng Marawi bombing
MANILA, Philippines — Magpapatupad ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng maximum police visibility sa rehiyon kasunod na naganap na pagpapasabog sa Mindanao State University sa Marawi City, Linggo ng umaga.
Ang paniniyak ay ginawa ni NCRPO Regional Director PMaj. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., kasabay ng paglalagay sa heightened alert sa pwersa ng kapulisan sa rehiyon.
Nasa Metro Manila rin kasi ang state of government at malalaking central business district.
Ayon kay Nartatez, hindi lamang checkpoints ang kanilang ipinatutupad kundi maging ang roving ng mga pulis sa ilang mga vital installations at matataong lugar.
Paliwanag ni Nartatez, na ilang araw na lamang bago ang Pasko, mas kailangan ang 24/7 na monitoring at pag-iikot ng mga pulis laban sa mga nagkalat na kawatan at iba pang uri ng lawless elements.
Sa katunayan, inatasan niya ang kanyang mga district directors na regular ang pakikipag -ugnayan sa mga local government units upang masiguro ang seguridad ng publiko, gayundin ng mga establisimyento.
- Latest