^

Metro

5K preso mapapalaya ngayong Pasko

Joy Cantos, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
5K preso mapapalaya ngayong Pasko
The Department of Justice (DOJ) releases 154 persons deprived of liberty (PDLs) at the Bureau of Corrections in Muntinlupa on January 23, 2023.
STAR / Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Mahigit 20 araw bago mag-Pasko, ­inaasahang mapapalaya  ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang humigit-kumulang 5,000 preso  o persons deprived of liberty (PDLs), ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sinabi ni BJMP chief Jail Director Ruel Rivera sa lingguhang news forum sa Quezon City na makakapaglabas sila ng humigit-kumulang 3,000 hanggang 5,000 PDLs ngayong buwan sa pamamagitan ng Good Conduct and Time Allowance (GCTA).

Ang tinutukoy ni Rivera ay ang Republic Act 10592, o ang Good Conduct and Time Allowance law, na nagpapababa sa oras ng pagkakakulong ng mga preso na nagpakita ng mabuting pag-uugali kaya  pinapayagan ang kanilang maagang paglaya.

Sa pagbanggit sa mga rekord ng BJMP, sinabi ni Rivera na matagumpay nilang naipatupad ang mga utos ng korte, na nag­resulta sa pagpapalabas ng humigit-kumulang 74,000 PDL mula Enero hanggang Oktubre 30 ngayong taon.

Isa si Rivera sa mga panauhin sa lingguhang forum kasama si Associate Sandiganbayan Justice Karl Miranda kung saan tinalakay nila ang nalalapit na dalawang araw na National Jail Decongestion Summit sa Disyembre 6 at 7 sa New World Hotel.

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Miranda na ang summit ay lalahukan ng Supreme Court (SC), Department of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG) upang makabuo ng isang “whole-of-government approach” sa pagtugon sa kasikipan ng mga kulungan.

“Ang layunin ng sektor ng Hustisya ay magsama-sama upang makipag-ugnayan at matugunan ang mga karaniwang problemang kinakaharap ng mga ahensya ng sektor ng hustisya. Ang end-goal po nito ay mapabilis ang paghahatid ng mabilis at patas na hustisya,” sabi ni Miranda.

Idinagdag ni Miranda na ang summit ay naglalayong tugunan ang tatlong pangunahing isyu tulad ng kakulangan ng mga pasilidad, pagtaas ng pag-aresto at pagtaas ng admission sa kulungan kaysa sa mga nakakalaya.

vuukle comment

BJMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with