^

Metro

Totoy patay sa saksak, sa birthday party

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 17-anyos na nasawi nang saksakin ng kanyang nakaaway sa isang party ka­makalawa ng gabi sa Navotas City.

Namatay habang ginagamot sa Navotas Hospital ang biktimang si alyas Jose, 17 habang naka-confine naman sa Tondo Medical Center ang suspek na si alyas Jerome, 21, ng Brgy. San Roque ng lungsod.

Sa report na tinanggap ni Navotas Police Chief PCol. Mario Cortes, nangyari ang insidente dakong alas-9 ng gabi ng maganap ang insidente sa Tulay Uno, Daang-Hari St., Brgy. Daang-Hari, Navotas City.

Kapwa dumalo sa birthday party ang biktima at suspek na nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa umabot sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Nakaganti rin naman umano ng saksak ang biktima sa suspect.

Sa pursuit operation ng pulisya, 12:10 ng umaga nitong Martes nang may makapagsabing nasa Tondo Medical Center ang suspek na nagresulta sa pagkaaresto nito.

vuukle comment

NAVOTAS CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with