^

Metro

Gasolinahan hinoldap ng tandem, nangidnap pa ng 3

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Gasolinahan hinoldap ng tandem, nangidnap pa ng 3
Sa ulat ng Kawit Police, alas-2 ng mada­ling araw nang holdapin ng tandem suspects ang Sea Oil Gasoline Station sa Centennial Highway, Brgy. Tabon III, Kawit, Cavite.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inilatag ng awtoridad ang manhunt operation laban sa dalawang armadong lalaki matapos nilang holdapin ang isang gasoline station sa Kawit, Cavite at tinangay pa nila sa kanilang pagtakas hanggang sa Las Piñas City ang tatlo katao kabilang ang isang negosyanteng nagpapakarga lang ng gas, kamakalawa.

Sa ulat ng Kawit Police, alas-2 ng mada­ling araw nang holdapin ng tandem suspects ang Sea Oil Gasoline Station sa Centennial Highway, Brgy. Tabon III, Kawit, Cavite.

Agad na tinutukan ng baril ng mga suspek ang ca­shier ng nasabing gasolinahan na si Sharon Torres Derutas, 27- anyos, at ang pump attendant na si Lawrence Derutas Salcedo, 18-anyos; kapwa residente ng Kawit, Cavite.

Dinamay pa ng mga suspek ang nagpapakarga lang ng gas ng mga oras na iyon ang businessman na si Michael Alcantara Barra, 39, residente ng Mabini-J. Rizal, Mandaluyong City.

Mabilis na nilimas ng mga suspek ang perang kinita ng gasolinahan at nang papatakas na sila ay puwersahan nilang pinasakay ang dalawang empleyado ng gasoline station na sina Derutas at Salcedo sa kotse ni Barra na Mitsubishi Mirage, color gray na may conduction No. Y3N770 saka inutusan ang huli na paandarin ito patungong Maynila.

Pagsapit nila sa Covelandia Road, Brgy. Aplaya, Kawit, dito na pinababa ng mga suspek sina Derutas at Salcedo saka inutusan si Barra na siyang nagmamaneho ng kanyang sasakyan na idiretso ito sa Las Piñas City via Cavitex.

Habang bumabagtas sa highway, nilimas din ng mga suspek ang pera, alahas at cellphone ni Barra at nang makarating sila sa Brgy. Pulanglupa, Las Piñas City ay dito na bumaba ang mga suspek at tuluyang tumakas. Agad na dumiretso sa pulisya si Barra para i-report ang insidente.

vuukle comment

SEA OIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with