^

Metro

5,200 BSKE bets, naisyuhan ng show cause orders – Comelec

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
5,200 BSKE bets, naisyuhan ng show cause orders – Comelec
Commission on Elections (Comelec), government agencies, and concerned sectors hold a briefing and security command conference for the upcoming Barangay and SK elections (BSKE) at Camp Crame in Quezon City on August 22, 2023.
Michael Varcas / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 5,200 kandidato para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang napadalhan ng Commission on Elections (Comelec) ng show cause orders (SCOs).

Sa isang panayam sa radyo kahapon, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na sa naturang 5,200 kandidato, mahigit 1,000 pa lamang ang sumagot.

Base naman aniya sa kanilang initial assessment, sa naturang 1,000 na sumagot sa SCOs ay nasa 300 ang “hinog na hinog” para sa diskuwalipikasyon.

“Nakaka-5,200 na tayo na na-show cause order at mahigit 1,000 ang sumagot. Sa 1,000 na ‘yan, base sa initial assessment, mga 300 ang hinog na hinog para sa disqualification,” pahayag ni Garcia.

Dagdag ni Garcia, hanggang nitong Oktubre 6 ay umaabot na sa 82 petisyon para sa diskuwalipikasyon ang naihain ng “Task Force Anti-Epal” ng Comelec habang 10 kandidato ang kinasuhan dahil sa umano’y pamimili ng boto.

Pagtiyak naman ni Garcia, bago sumapit ang mismong araw ng halalan ay dedesisyunan nila ang mga naturang kaso.

Siniguro rin niya na aarangkada ang mga kaso kahit sumagot o hindi sumagot ang mga kandidato sa kanilang ipinadalang show cause orders.

Binigyang-diin pa ni Garcia na nais nilang ipakita sa lahat na hindi lamang ningas-kugon at pakitang-tao ang Comelec dahil talagang seseryosohin nila ang paghahain ng kaso at pagpapadiskuwalipika sa mga kandidatong mapapatunayang lumalabag sa mga patakaran ng poll body.

Ang 2023 BSKE ay nakatakdang idaos sa Oktubre 30.

BSKE

SOC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with