^

Metro

Bus terminal pinasabog: 12 minibus nasira

Ed Amoroso, Doris Franche-Borja, Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagulantang ang mag residente matapos na isang fragmentation grenade ang pinasabog ng hindi pa kilalang salarin sa loob ng isang bus terminal sa Laurel, Batangas kahapon ng umaga.

Ayon kay Major Francisco Luceña, Laurel town police chief, nasa 12 minibus ng Magnificat Transport Coo­perative ang nasira kabilang ang isang “totally damage” dahil sa pinasabog na M2 hand grenade.

Sa kabila nito, walang naiulat na namatay o nasaktan sa nasabing insidente. Sinabi naman ni Lt. Gen. Rhoderick Armamento, Area Police Command-Southern Luzon (APC-SL)commander, naganap ang pagsabog bandang alas-3:30 ng madaling-araw sa compound ng Magnificat Transport Cooperative sa Barangay Bugaan East, Laurel, Batangas pero naiulat ito sa awtoridad ng alas-6 ng umaga.

Ayon sa security guard na si Albert Serrano, nagulat na lang siya nang biglang may malakas na pagsabog sa loob ng compound ng bus terminal.

“Posibleng may kinalaman ito sa bagong lipat na bus cooperative dito sa Laurel na hindi nagustuhan ng grupo ng mga magta-tricycle at mga jeepney operators at drivers,” ani Luceña.

Ani Luceña, ang Magnificat Transport Cooperative ay unang itinatag sa kalapit lungsod ng Tanauan hanggang sa ilipat sa bayan ng Laurel noong Hulyo 2023.

Ang Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Project ay inilunsad ng local government unit (LGU) sa koordinasyon na rin ng Magnificat Transport Cooperative.

Ang naturang mga PUVs ay may mga technological features tulad ng Global Positioning System (GPS), CCTV cameras, automatic fare collection system at free wireless internet connection.

Nabatid na sa bagong PUV, ang mga driver ay makakatanggap ng fixed salary at hindi na “boundary system”.

May linya ang mga bagong PUV sa kahabaan ng A. Mabini Avenue sa Tanauan hanggang Talisay-Laurel Road at vice-versa na umano’y naging banta sa mga drivers at operators ng conventional jeepneys.

Sinabi naman ni Batangas Police Provincial Police Office director Col. Samson Belmonte na hindi nila kinokonsinte ang mga ganitong gawain na nagresulta ng kaguluhan at pagbasag ng katahimikan sa kanilang lugar.

“Sisiguraduhin po natin, makikilala at mahuhuli natin ang mga taong may kagagawan nito,” ani Col. Belmonte.

RHODERICK ARMAMENTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with