^

Metro

Mandatory scouting balak isama sa basic education curriculum

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mandatory scouting balak isama sa basic education curriculum
Sa kanyang talum­pati sa annual national council meeting ng Boy Scouts of the Philippines sa Palo, Leyte, sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na tinatalakay na sa kanyang tanggapan ang pag-integrate ng mandatory scouting sa Filipino Peace Culture curriculum.
STAR / File

MANILA, Philippines — Plano ng Department of Education (DepEd) na maisama sa basic education curriculum ang mandatory scouting.

Sa kanyang talum­pati sa annual national council meeting ng Boy Scouts of the Philippines sa Palo, Leyte, sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na tinatalakay na sa kanyang tanggapan ang pag-integrate ng mandatory scouting sa Filipino Peace Culture curriculum.

Makakatulong umano ito ng malaki para sa pagtuturo ng values sa mga kabataan kasama na ang katapatan, integridad, paggalang at pagtulong sa kapwa.

Sinabi pa ni  Duterte, patuloy na sinusulong ng Marcos administration ang mga programa at proyekto na layuning makahubog at makatulong sa pagpapaganda ng bansa.

Samantala, na­nawa­gan naman siya sa Boy Scouts of the Philippines na suportahan ang Bansang Makabata, Batang Makabansa o MATATAG agenda ng DepEd na layuning ma­katugon sa mga proble­ma sa edukasyon at maghanda sa mga kabataan na maging kwalipikado sa trabaho sa kanilang pagtatapos.

Matatandaang una nang sinulong ni Du­terte ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps o ROTC program para sa higher education.

vuukle comment

BOY SCOUTS OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with