Operasyon ng NAIA T3 nahinto dahil sa brownout
MANILA, Philippines — Halos walong oras dumanas ng power outage ang Ninoy Aquino Internation Airport (NAIA) Terminal na nagdulot na paghinto sa operasyon at ma-stranded ang libu- libong pasahero.
Dahil dito maraming flight ang naapektuhan na dahilan rin ng delay sa mga parating at papaalis na eroplano sa paliparan.
Karamihan sa reklamo ng mga pasahero ay mainit at walang mabilhan ng pagkain ang mga pasaherong na-stranded at mga empleyado dahil sa higit walong Oras na pagkawala ng supply ng kuryente.
Matatandaang pasado ala-una ng madaling araw nang magkaroon ng power outage sa Terminal 3 ng paliparan at naibalik lang ang supply ng kuryente alas-8:54 na ng umaga.
Nagsagawa ng inspeksyon si DOTr secretary Jaime Bautista at MIAA General Manager Cesar Chiong sa mga pasilidad ng paliparan para alamin ang sitwasyon ng mga pasahero.
Bumisita rin si Bautista ang immigration counters para mapabilis ang usad ng mga pasahero.
- Latest