^

Metro

Habambuhay sa pumaslang sa anak ni VACC Pres. Boy Evangelista

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Habambuhay sa pumaslang sa anak ni VACC Pres. Boy Evangelista
Sa desisyon ni QC RTC Branch 215 Presiding Judge Rafael Hipolito, napatunayan  ng prosekusyon na sina Roger Dominguez, Jayson Miranda at Rolando Talban ang pumatay sa batang si Venson Evangelista noong January 14, 2011 sa isang irigasyon sa Cabanatuan Nueva Ecija.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hinatulan ng  habambuhay na pagkabilanggo ng Quezon City Regional Trial Court ang  mga mi­yembro ng ‘Dominguez Carnapping Group’ na sangkot sa pagpaslang sa anak ni Boy Evangelista, Presidente ng Volunteers Against Crime and Corruption.

Sa desisyon ni QC RTC Branch 215 Presiding Judge Rafael Hipolito, napatunayan  ng prosekusyon na sina Roger Dominguez, Jayson Miranda at Rolando Talban ang pumatay sa batang si Venson Evangelista noong January 14, 2011 sa isang irigasyon sa Cabanatuan Nueva Ecija.

Huling nakitang buhay ang biktima matapos makipagkita sa mga suspek na noon ay nagpanggap naman na mga car dealer.

Hindi naman mapigilan ng Pangulo ng VACC na mapaiyak sa tuwa matapos ibaba ng korte ang hatol sa mga suspek.

Bagama’t inabot ng 13 taon ang paglilitis, nagpapasalamat pa rin  siya sa korte dahil na­bigyan na ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang anak.

VACC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with