^

Metro

NCAP nananatiling suspendido - MMDA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
NCAP nananatiling suspendido - MMDA
A photo taken on July 1, 2022 shows a sign warning motorists of Quezon City’s no contact apprehension policy is seen at the corner of Kamias Road and Kalayaan Avenue.
The STAR/Jesse Bustos, file photo

MANILA, Philippines — Nanatili pang suspendido ang pagpapatupad ng No-Contact Apprehension Policy (NCAP) sa Metro Manila, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon ito kay MMDA Chairman Atty. Romando “Don” Artes, matapos na kumalat ang balita sa mga social media post na nagsasabing ipatutupad nang muli ang NCAP.

“Patuloy pong suspendido ang NCAP dahil may pending pong temporary restraining order or TRO ang Supreme Court laban dito, so hindi po namin pwedeng i-implement yan,” dagdag pa ni Artes.

“Wag po tayo maniwala, yan na po ay paulit-ulit na naming dini-deny. Nare-recycle po eh, lumabas na po yan a few months ago,” aniya.

Noong Agosto 30 2022, matatandaang nagbaba ang Korte Suprema ng TRO laban sa NCAP matapos na maghain ng reklamo ang ilang transport group at ilang indibiduwal laban dito.

Ngayon aniya, na naka­karekober na ang ekonomiya ay patuloy na dumadami ang mga sasakyan sa Metro Manila ngunit hindi naman masyadong apektado ang daloy ng trapiko.

Sa kabila umano na bahag­yang bumibigat na ang daloy ng traffic dahil sa pagdami ng mga sasakyan, pero mas mabilis pa rin ito ng konti kumpara sa dati dahil sa maayos na traffic management.

Sinabi ni Artes na palaging nagpapatupad ng full deployment at ang bilin sa mga traffic enforcers na unahin ang pag-aayos ng trapiko kaysa sa panghuhuli ng mga lumalabag sa batas trapiko.

 

NCAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with