^

Metro

P10K ayuda ng DSWD sa 160 indigent patient sa NKTI

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
P10K ayuda ng DSWD sa 160 indigent patient sa NKTI
Mismong sina Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. at DSWD Secretary  Rex Gatchalian ang personal na nag-abot ng P10,000 bilang bahagi ng Assistance to Indivi­duals in Crisis Situation kasabay ng anibersaryo ng  naturang ospital noong Lunes.
STAR / Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Pinagkalooban ng Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD)  ng tig-P10,000 pinansiyal na tulong ang nasa 160  indigent patient na kasalukuyang nagpapagamot sa National Kidney Transplant Institute (NKTI) sa East Avenue Quezon City.

Mismong sina Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. at DSWD Secretary  Rex Gatchalian ang personal na nag-abot ng P10,000 bilang bahagi ng Assistance to Indivi­duals in Crisis Situation kasabay ng anibersaryo ng  naturang ospital noong Lunes.

Bukod dito, magbibigay din ng medical assistance ang DSWD sa iba pang mga nangangailangan ng medical assistance, burial, transportation at educational assistance.

Noong nakaraang taon, umabot sa 5,336, 381 ang nabigyan ng tulong ng ahensya sa ilalim ng DSWD- AICS.

Tiniyak din ng DSWD na patuloy na aalalay ang ahensya sa publiko na walang kakayahan na tustusan ang kanilang pangangailangan.

NKTI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with