^

Metro

Jeepney driver, kasama pumalag sa sita; 2 traffic enforcer tinangkang saksakin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Jeepney driver, kasama pumalag sa sita; 2 traffic enforcer tinangkang saksakin

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang jeepney driver at ang kanyang kasamahan matapos umanong tangkaing saksakin ang dalawang traffic enforcer na sumita sa kanila matapos na huminto at tinangkang magsakay ng pasahero sa isang ‘no loading and unloading zone’ sa ­Quezon City, kamakalawa.

Ang mga naarestong suspek ay nakilalang sina Alex Tumala, driver, at ang kanyang kasamahan na si John Paul Cruz, dati nang nakulong dahil sa pagsusugal at miyembro rin umano ng Sputnik Gang.

Ayon sa imbestigas­yon ng Quezon City Police District (QCPD) Novaliches Police Station 4, bago ang pag-aresto ay sinita at tinikitan ng mga tauhan ng QC Task Force Disiplina, sa pangunguna ni Paul Arthur Ramos, si Tumala matapos na huminto at tinangkang magsakay ng pasahero sa lugar na bawal sa Quirino Highway sa Novaliches, Martes ng hapon.

Ayon kay P/LtCol Jerry Castillo, station comman­der ng Novaliches Police, ikinagalit ito ni Tumala at pinagsisigawan at pinagmumura ang mga traffic enforcer, saka hinamon ng suntukan.

Nang lalapitan umano ng dalawang enforcer si Tumala, ay pumagitna ang kasamahan nitong si Cruz, na naglabas ng kutsilyo at iwinasiwas ito sa mga traffic enforcer.

Dito na umano pinagtulungan ng mga tao sa lugar ang dalawa at saka ipinaaresto sa mga pulis.

Ayon sa pulisya, nang kapkapan ang mga suspek, nakuha mula kay Cruz ang isang sachet ng umano’y shabu, gayundin ang isang kutsilyo.

Aminado naman si Tumala na huminto sila sa maling babaan at sakayan, habang itinanggi ni Cruz na may nakuha sa kanyang droga at sinabing wala siyang balak saksakin ang mga traffic enforcer.

Plano lang umano niyang takutin ang mga ito upang lumayo sila at hindi sila kuyugin.

Ang mga suspek ay mahaharap sa mga reklamong alarms and scandals, and disobedience, habang si Cruz ay may karagdagang reklamo na direct assault at possession of illegal drugs na kakaharapin sa piskalya.

JEEPNEY DRIVER

TRAFFIC ENFORCER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with