^

Metro

2 bagitong parak, timbog sa extortion

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado sa isang entrapment operation ang dalawang pulis-Makati dahil sa umano’y pangongotong sa isang residente na inakusahan na sangkot sa pagnanakaw ng ATM cards, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga inaresto na sina Pat. Mark Dann Advincula at Pat. Mark Joseph Segador, 31, kapwa nakatalaga sa Sub-Station 6, ng Makati City Police Station.

Sa ulat, alas-4:30 ng madaling araw nang magkasa ng operasyon ang joint elements ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), District Intelligence Division ng Southern Police District at Poblacion Substation ng Makati City Police sa may A. Mabini St. Poblacion, naturang lungsod.

Ito ay nang dumulog ang mga complainant na sina Angelica Dacer at Dante Ruanto, mga residente ng Don Fabian, Quezon City, at inireklamo si Advincula na umano’y nanghihingi ng pera sa kanila. Sa imbestigasyon, sinabi ni Dacer na isang dayuhan ang nakilala niya noong Disyembre 8 at nakipagkaibigan sa kaniya at nagpalitan sila ng numero.

Nang sumunod na araw, nakatanggap siya ng mensahe na nagsasabing may reklamo laban sa kaniya ang isang dayuhan na inaakusahan siya na tumangay ng ATM card na may laman na P130,000.

Nang makipagtagpo siya sa texter, dinampot sila ng dalawang pulis, isinakay sa isang kotse na may marking “Pulis” at dinala sa Sub-Station 6 ng Makati Police saka kinumpiska ang kaniyang cellphone.  

Nagtungo rin umano ang dalawang suspek sa bahay nila sa Quezon City at kinuha rin ang cellphone ni Ruanto saka sinabihan na dapat silang magbayad ng P50,000 kapalit ng kanilang dalawang telepono. 

Wala namang naisampang kaso laban sa kanila.Dito nagkasa ng operasyon ang pulisya na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek.  Narekober sa kanila ang P1,000 marked money, 49 piraso ng P1,000 bills. 

Agad namang dinisarmahan ang dalawang parak at kinumpiska rin ang personal na gamit ng mga ito kabilang ang kanilang PNP ID.

Kasalukuyang nakapiit ngayon sa detention cell ng PNP-IMEG ang dalawang pulis na nahaharap sa kasong extortion. — Joy Cantos

vuukle comment

EXTORTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with