Vhong Navarro, pinayagan nang magpiyansa sa halagang P1 milyon
MANILA, Philippines — Pinayagan nang makapagpiyansa ng Taguig City Regional Trial Court para sa kanyang pansamantalang paglaya ang aktor at TV host na si Vhong Navarro, kaugnay ng kinakaharap na kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.
“Wherefore, premises considered, the petition for bail is hereby GRANTED. The bail of the accused for his provisional liberty is hereby fixed at One Million Pesos (Php 1,000,000.00),” saad ng kautusan.
Matatandaan na sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) si Navarro makaraan na maglabas ng warrant of arrest ang korte laban sa kaniya.
Unang nakulong ang aktor sa NBI Detention Center bago siya inilipat sa Taguig City Jail base sa kautusan ng korte.
Nitong Setyembre nang kasuhan ng Taguig Prosecutor’s Office si Navarro ng umano’y panggagahasa kay Cornejo noong Enero 2014. Itinanggi naman ito ng aktor.
- Latest