^

Metro

Libu-libo dumagsa pa rin sa Manila North at South cemetery

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Libu-libo dumagsa pa rin sa Manila North at South cemetery
People arrive to mark All Saints' Day at Manila North Cemetery in Manila on November 1, 2022.
AFP/JAM STA ROSA

MANILA, Philippines — Sa kabila ng masama pa ring panahon dahil sa pagpasok ng panibagong bagyo, dumagsa pa rin ang libu-libong bisita sa Manila North at South cemeteries sa Maynila kahapon.

Sa Manila South Ce­metery, umabot  sa 204,500 ang tinatayang naging bisita nito dakong alas-5 ng hapon.

Sinabi ni Manila Police District (MPD) Director P/BGen Andre Dizon na naging maayos naman ang daloy ng tao kahit na tanging ang main entrance ng MNC ang kanilang binuksan.

Naging mahigpit sa pagpapasok ang mga bantay nang 63 indibidwal na karamihan ay mga bata ang hindi papasukin.

Kahapon, alas-5 ng ­umaga nang muling buksan ang gate ng MNC at muling isasara sana ng alas-5 rin ng hapon ngunit nagbigay ng ekstensyon ng 30 minuto.

Humingi ng pang-unawa si Dizon sa mga naapektuhan ng limitasyon sa oras na itinakda ng lokal na pamahalaan ng Maynila at ipinatutupad ng pulisya.

Nasa 500 pulis ang ikina­lat nila sa iba’t ibang istratehikong lugar na mahigpit na nagbantay sa mga pasaway tulad ng mga nag-iingay, naninigarilyo at nagsusugal.

Hindi naabot ang inaasahang bilang ng bibisita na isang milyon.

Sinabi naman ni Sta. Cruz Police Station commander, P/LtCol Ramon Solas na may epekto ang naturang oras sa mas maliit na bilang ng tao kumpara noong pre-pandemic dahil sa naiiwasan na ang mga nagpapagabi.

Dagdag na factor din ang bagyong Paeng at ang bagyong Queenie.

SOUTH CEMETERIES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with