^

Metro

Guest timbog sa pagpa-pot session sa inukopahang silid ng hotel

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Guest timbog sa pagpa-pot session sa inukopahang silid ng hotel
Nakilala ang nadakip na si Antonio Chua, 36, residente ng Pasay City. Siya ay inaresto matapos isuplong ng hotel supervisor ng hotel na nasa Rodriguez St., Barangay Bangkal, Makati.
Artemio A. Dumlao

MANILA, Philippines — Isang guest sa isang hotel sa Makati ang nabuking na ginagamit ang inakupahang kuwarto sa pagpa-pot session sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nadakip na si Antonio Chua, 36, residente ng Pasay City. Siya  ay inaresto matapos isuplong ng hotel supervisor ng hotel na nasa Rodriguez St., Barangay Bangkal, Makati.

Sa ulat, nagtungo ang hotel supervisor na si Edmond Lizardo sa Bangkal Police Sub-Station hinggil sa nagaganap umanong  pot session sa isa sa mga kuwarto ng hotel.

Nang puntahan ang silid, nakakuha ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalias na nakapatong umano sa kama ng suspek.

Sa pag-inspeksyon sa silid, narekober pa ang apat na sachet ng hinihinalang shabu, dalawang improvised water pipe, isang glass tube at isang lighter.

Nasa kabuuang  6.4 gramo ang ilegal na droga na nagkakahalaga ng  ?43,520.

Inihahanda na ang pagsasailalim sa inquest proceedings sa suspek sa paglabag sa  Section 11 at 12 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

vuukle comment

GUEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with