^

Metro

Paghuhukay sa itatayong Metro Manila Subway, arangkada na 

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Paghuhukay sa itatayong Metro Manila Subway, arangkada na 
Pinangunahan ni President Ferdinand ­Romualdez Marcos Jr. ang groundbreaking ceremony nang itatayong Metro Manila Subway Project (MMSP) kabilang ang dalawang istasyon sa Ortigas at Shaw Boulevard Station, na pinasimulan kahapon.
Jesse Bustos

Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pinangunahan ang groundbreaking

MANILA, Philippines — Mismong si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang nanguna sa groundbreaking ceremony para sa konstraksyon ng dalawang istasyon ng Metro Manila Subway Project (MMSP) sa Pasig City kahapon.

Kasama ng Pangulo si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista  sa naturang groundbreaking ceremony para sa konstraksiyon ng Ortigas at Shaw Boulevard stations ng MMSP, na siyang kauna-unahang underground railway system sa bansa.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pang. Marcos na ang Phase 1 ng proyekto ay inaasahang makatutulong upang mapaigsi ang oras ng biyahe sa pagitan ng Quezon City at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula 90 minuto hanggang 35 minuto na lamang.

Dagdag pa ng Pa­ngulo, makatutulong din aniya ang proyekto upang mapalakas ang business opportunities at economic activity sa bansa.

Matapos naman ang groundbreaking ceremony, sinimulan na rin ang paghuhukay para sa subway.

Dahil dito, kinailangang isarado ang bahagi ng Meralco ­Avenue, mula sa Capitol Commons hanggang sa Shaw Boulevard.

Inaasahang tatagal ang road closure hanggang sa taong 2028 ngunit magpapatupad naman ang mga otoridad ng traffic rerouting upang maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Anang DOTr, ang buong contract pac­kage para sa Phase 1 ng MMSP ay halos 3.4 ki­lometro na may dalawang istasyon na konektado ng 920.5-metrong tunnel at extended sa 1.86 kilometrong tunnel na nagkokonekta sa Shaw Boulevard hanggang Kalayaan Avenue Station sa Taguig City.

Samantala, ayon naman kay DOTr Undersecretary Cesar Chavez, inaasahan nilang makukumpleto ang konstraksiyon ng MMSP, pagsapit ng taong 2028 o 2029.

 “Ang isa sa mga contractor natin ay siya ring gumawa ng subway sa Tokyo, Indonesia, Vietnam, Singapore. Nag-a-average po ng six to seven years ang construction at ganun din sa Pilipinas. So sa siyentipikong pag-aaral, tapos na ito by 2028 to 2029,” dagdag pa nito.

Kinumpirma rin niya na sinimulan na rin ang konstruksiyon sa East Valenzuela station at depot, gayundin sa North Avenue station habang ang contract signing naman para sa Packages 2 at 3, na kinabibilangan ng mga istasyon sa Ortigas, Quezon Avenue, East Avenue, Anonas, at Katipunan ay isasagawa na sa susunod na buwan. — Malou Escudero

 

SUBWAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with