^

Metro

Paglusaw sa excise tax sa langis, giit ng transport group

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan sa pamahalaan ang transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na tanggalin na ang excise sa langis upang mapababa ang halaga ng petroleum products.

Ayon sa Piston, dulot ng excise tax sa langis lalong tumataas ang halaga ng mga produktong pet­rolyo sa bansa.

Anila dahil sa taas ng presyo ng gasolina at krudo ay hindi na nila maram­­­daman ang kabutihang dulot ng P3 rollback sa presyo ng petrolyo  at ang dagdag na P2 sa minimum na pasahe sa jeep.

Kung maaalis anila ang buwis sa langis, magkakaroon ng dahilan para maibaba pa ang presyo ng petroleum products sa bansa.

Anila kulang na kulang ang kita na naiuuwi nila sa pamilya na halos wala na maipambibili ng panggastos sa pamilya dahil mataas din ang presyo ng bilihin.

Ang grupo ng Piston ang humihiling sa pamahalaan na gawing P15 ang minimum fare sa jeep para makabangon mula sa matinding epekto ng oil price hike at mataas na bilihin.

Sa ngayon ay P11 ang minimum na pasahe sa jeep at P13 sa airconditioned jeep.

vuukle comment

EXCISE TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with