^

Metro

Biyahe ng LRT-2, extended ng 30 minuto

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Biyahe ng LRT-2, extended ng 30 minuto
Ayon sa pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA), ang pagpapalawig sa ope­rating hours ng tren ay upang mabigyang daan ang pagseserbisyo sa mas maraming mga pasahero.
LRT-2 / Twitter

MANILA, Philippines — Hinabaan ng 30 mi­nuto ang oras ng biyahe ng LTR-2 mula kahapon, Hunyo 17.

Ayon sa pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA), ang pagpapalawig sa ope­rating hours ng tren ay upang mabigyang daan ang pagseserbisyo sa mas maraming mga pasahero.

Mula sa original operating hours nitong hanggang 8:30 ng gabi, ang huling commercial train na aalis mula sa Antipolo station ay hanggang alas-9:00 na ng gabi.

Ang huling commercial train na aalis naman sa Recto station ay hanggang alas-9:30 ng gabi mula sa dating alas-9 ng gabi.

Ayon sa LRTA, mi­nabuting habaan ang ope­rasyon ng tren para ma-accommodate ang dagdag na mga em­pleyado na bumalik sa onsite work at mga mag-aaral na nasa face-to-face classes.

LRT2

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with