^

Metro

Kelot sinaksak ng kapwa barker agawan sa pasahero

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Kelot sinaksak ng kapwa barker agawan sa pasahero
Kinilala ni Pasay City Police chief, P/Colonel Cesar Paday-os, ang suspek na si Rolando Reano, 44, barker at residente ng Zamora St., Pasay City., na kasalukuyang nakapiit sa Pasay City police custodial facility.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang miyembro ng Sputnik gang nang saksakin ang kapwa barker matapos magka-asaran sa pagtatawag ng mga pasahero, sa Pasay City, Linggo ng hapon.

Kinilala ni Pasay City Police chief, P/Colonel Cesar Paday-os, ang suspek na si Rolando Reano, 44, barker at residente ng Zamora St., Pasay City., na kasalukuyang nakapiit sa Pasay City police custodial facility.

Inoobserbahan naman sa San Juan Ade Dios Hospital ang 26-anyos na kapwa barker na kinilalang si Lorenzo Sadaya, dahil sa tinamong dalawang saksak sa tiyan.

Sa ulat, dakong alas 5:00  ng hapon ng Mayo 8 nang maganap ang insidente sa panulukan ng EDSA at Zamora St., Pasay City.

Sa imbestigasyon, habang sabay na nagtatawag ng pasahero ang dalawa ay nagka-inisan  na nauwi sa  mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng mahabang ice pick ang suspek at inundayan ng dalawang beses sa tiyan ang biktima bago tumakas.

Sa follow-up operation ng Pasay Police Sub-Station 4, nadakip ang suspek at narekober ang ginamit na ice pick.

vuukle comment

SPUTNIK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with