^

Metro

Tourism workers ‘unsung heroes’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinaguriang “unsung heroes” ang mga manggagawa sa industriya ng turismo na malaki ang kontribusyon sa ekonomiya ng ating bansa.

Iyan ang tinuran bilang pagbibigay-pugay sa mga manggagawa na ipinahayag ng Turismo Isulong Mo Partylist (TURISMO) sa pagdiriwang ng Labor Day kahapon.

Ayon kay Wanda Tulfo Teo, hindi lamang malaki ang ibinabahagi ng sektor ng turismo sa gross domestic product (GDP) taun-taon bago ang pandemic. Malaki rin ang naitutulong sa pagbangon ng ekonomiya sa muling pagbubukas ng turismo sa bansa.

Bagaman, nasarhan ang operasyon ng turismo nang dalawang taon dahil sa Covid-19 pandemic, libu-libong tourism workers ang sumalang bilang “frontliners” noong ipatupad ang community quarantine.

Sinabi ni Teo, hinarap ng mga kasamahan nilang manggagawa ang hamon nang magsilbing quarantine facilities ang mga hotels sa daan-daang libong OFWs at ibang pang kababayan nating umuwi galing ibayong-dagat.

Kakatawanin at isusulong ng 156 TURISMO Partylist sa Kongreso ang mga karapatan, kapakanan at interes ng mga tourism workers, small entrepreneurs at mga komunidad sa mga tourist destination areas sa bansa.

Pahayag pa ni Teo, kabilang sa mga ipapanukala ng 156TURISMO ang “instant ayuda” para sa tourism workers at entrepreneurs sa panahon ng kalamidad tulad ng Covid pandemic at bagyo at iba pang ka­lamidad.

TURISMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with