^

Metro

Rider sinita sa helmet, arestado sa boga

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Rider sinita sa helmet, arestado sa boga
Nahaharap sa mga reklamong paglabag sa Republic Act 10054 (Motorcycle Helmet Act of 2009), RA 4136 (Driving without License & unregistered vehicle) at  RA 10591, kaugnay sa Omnibus Election Code (Comprehensive law on Firearms and Ammunitions) ang suspek na si Alex Rivera, 38.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang motorcycle rider nang aksidenteng madiskubre mula sa compartment ng kaniyang sasakyan ang isang baril matapos na masita  dahil sa hindi pagsusuot ng helmet, sa Port Area, Maynila, kahapon ng umaga.

Nahaharap sa mga reklamong paglabag sa Republic Act 10054 (Motorcycle Helmet Act of 2009), RA 4136 (Driving without License & unregistered vehicle) at  RA 10591, kaugnay sa Omnibus Election Code (Comprehensive law on Firearms and Ammunitions) ang suspek na si Alex Rivera, 38.

Sa ulat ni P/SSg Ferdinand Leyva ng Manila District Traffic Enforcement Unit, dakong alas-9:00 ng umaga kahapon ng mamataan sa 25th Street corner A. Bonifacio Road, Port Area ng nagmamandong mga traffic enforcer si Rivera na walang suot na helmet kaya siya pinara at hinanapan ng driver’s license at OR/CR.

Nang buksan ang compartment ay nakita ang baril na kalibre .38 na may serial no. 1126372 at kargado ng  3 bala. Wala rin siya maipakitang anumang dokumento hinggil sa pagkakaroon ng baril kaya siya tuluyang ­inaresto.

OMNIBUS ELECTION CODE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with