P100 milyong tulong ng NCR mayors sa sinalanta ni ‘Odette’, itinurn-over ni Abalos
MANILA, Philippines — Binisita kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang mga lalawigan ng Bohol at Cebu na matinding hinagupit ng bagyong Odette para personal na i-turnover ang tulong pinansyal na ibinigay ng mga alkalde ng National Capital Region (NCR).
Umabot sa P100-milyon ang iniabot ni Abalos sa pamamagitan ng Metro Manila Council Resolution 21-31 series of 2021).
Malugod siyang tinanggap ni Bohol Governor Arthur Yap at ng mga local government units executives mula sa dalawang probinsya.
Umaasa si Abalos na makakatulong ng malaki ang nasabing halaga sa mga lugar na sinalanta ng bagyo para sa kanilang rehabilitasyon.
Kabilang din sa binisita ni Abalos ang MMDA contingent na naka-deploy sa Bohol mula nang humagupit ang bagyo. Ang MMDA team ay patuloy na tumutulong sa lalawigan sa kanilang post-disaster response operations simula noong huling bahagi ng nakaraang taon.
- Latest