^

Metro

Ama, hinataw ng bote ng anak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 59-anyos na ama ang isinugod sa ospital matapos hatawin sa ulo, sa kaliwang mata, ilong, kaliwang hita, at kanang balikat gamit ang bote ng alak ng sariling anak sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District-Police Station 2, arestado at nakapiit na ang suspek na kinilalang si Brian Sison, 22-anyos, residente ng No. 932 San Antonio St., Tondo, Maynila, na ipaghaharap ng reklamong frustrated parricide sa Manila Prosecutor’s Office.

Nasa ligtas nang kondis­yon at patuloy na nagpapaga­ling sa Gat Andres Memorial Medical Center ang biktimang si Noel Sison, 59, sa parehong address matapos lapatan ng paunang lunas.

Dakong alas-10:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-ama.

Batay sa naging salaysay sa pulisya ni Ellaine Sison, 50, habang sila ng biktima ay nagpapahinga ay duma­ting ang anak na suspek at kumuha ng bote ng Emperador habang su­misigaw ng “Diyos ako, Diyos ako”, bago hinataw sa ulo ang ama. Sinundan pa ito ng paghataw sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang pumapalag ang ama.

Nagsisigaw na ang ina sa labas para tulungan ang biktima na agad namang nirespondehan ng mga barangay tanod na umaresto sa suspek.

AMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with