‘Di bakunadong close contacts ng COVID-19 hinikayat sa ‘Molnupiravir’ trial ng QMMC
MANILA, Philippines — Hinikayat ng pamunuan ng Quirino Memorial Medical Center (QMMC) sa Quezon City ang mga unvaccinated close contacts ng Covid-19 patients na makiisa sa ikatlong phase ng global study upang madetermina ang epekto ng gamot na molnupiravir na sinasabing gamot sa Covid.
Ayon kay Dr. Joel Santiaguel, clinical investigator ng QMMC, ang ikatlong phase ng clinical trials ay may mas mahigpit na requirements kabilang na ang exposure sa isang miyembro ng pamilya na may pasyente ng Covid.
“Katulad ng ibang clinical trials, medyo mahigpit ang requirement na ito. Kasama na nga ang hindi puwede magsali kung nabakunahan na ang isang pasyente. Bukod doon, kung ang pasyente ay positive na o kung masyadong marami sa bahay ‘yung positive para sa COVID-19, hindi puwede isali. Medyo strict eh or very stringent sila sa mga requirements,” pahayag ni Santiaguel.
Ang molnupiravir ay unang oral antiviral drug na nakakatulong daw para maibsan ang matinding epekto ng virus sa isang severe patient.
- Latest