^

Metro

Police escort ng mga kakandidato, pinapa-recall ng PNP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Police escort ng mga kakandidato, pinapa-recall ng PNP
Photo lifted from a video statement by Police Gen. Dionardo Carlos sent to reporters Monday, November 15.
PNP-PIO

MANILA, Philippines — Pinababawi na ni  Philippine National Police chief, Lt. Gen. Dionardo Carlos ang  lahat ng mga  police escorts  ng mga  pulitikong tatakbo sa 2022 elections.

Ayon kay Carlos, batay sa nakasaad sa regulasyon kailangan na dumaan sa proseso ang paghingi ng  police escorts kung saan kailangan munang mag-apply ng exemption sa Comelec ang mga politiko at patunayang talagang may banta sa kanilang buhay.

Aniya, kung may pahin­tulot na aniya sila mula sa Comelec, ay saka sila bibigyan ng Police Security Protection Group (PSPG) ng security detail.

Paalala naman ng PNP chief sa mga pulis na ma-aassign sa mga kandidato, nilinaw nito ang kanilang papel ay magbigay lang ng seguridad at hindi tumulong sa kampanya.

Binigyang diin pa ng PNP chief na istriktong pananatilihin ng PNP ang kanilang pagiging “neutral” sa eleksyon.

Nanawagan naman si Carlos sa publiko na isumbong sa PNP kung may makikita silang mga pulis na hayagang mangangampanya para sa sinumang kandidato.

Dagdag pa ni Carlos, tinitiyak ng PNP na wala silang kikilingang pulitiko at ang lahat ay batay sa batas.

PNP

PSPG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with