^

Metro

Higit 50 empleyado ng Pasay City hall nalason sa pansit

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit sa 50 em­pleyado ng Pasay City Hall at ilang miyembro ng kanilang pamilya ang iniulat na nalason sa kinaing pansit-Malabon.

Ayon sa ulat, nakaranas nang pananakit ng tiyan at pagsusuka ang mga nakakain ng pansit na inorder sa isang ‘di binanggit na restaurant.

Wala naman uma­nong okasyon kundi isang indibiduwal umano ang nagblow-out para sa meryen­da.

May apat na ospital ang pinagdalhan sa mga biktima na nasa maayos nang kalaga­yan.

Binanggit pa na may mga natirang pansit kaya ibinalot at inuwi ng ilang empleyado dahilan upang malason din ang kanilang kaanak.

Iniimbestigahan pa ng City Health Office ang insidente na naganap sa loob ng Pasay City Hall.

vuukle comment

LASON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with