Tanggal face shields sa loob ng sinehan, ipinanawagan
MANILA, Philippines — Nakiisa ang OCTA Research Group sa panawagan sa pamahalaan na payagan ang mga publiko na tanggalin ang kanilang face shields habang nanonood ng pelikula sa mga sinehan ngayong pinayagan na itong mag-operate.
Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na suportado nila ang panukala dahil sa makatwiran lamang umano na tanggalin ang face shields para ma-enjoy ang pinapanood na pelikula.
“We would support it because I think the move is to allow only vaccinated people to enter theaters,” ayon kay David.
Pinayagan ang pagbubukas ng mga sinehan na magkakaroon lamang ng 30% kapasidad nang isailalim ang Metro Manila sa Alert Level 3.
Ayon sa OCTA, sa kabila na may panawagan na tanggalin ang face shields, kailangan pa rin naman ng mga moviegoers na sumunod sa ibang mga health protocols tulad ng isang metrong distansya sa bawat isa at pagsusuot pa rin ng face mask.
- Latest