6 kotong cops sa Maynila, masisibak – Eleazar
MANILA, Philippines — Masisibak sa serbisyo ang anim na kotong cops sa Maynila.
Ito ang tiniyak ni PNP Chief General Guillermo Eleazar kasabay ng pagsasampa ng kasong administratibo at kriminal laban sa mga pulis na sina PSSg Jeffrey Meija, PCpl Johndee Toledo, PCpl Jigie Azores, PCpl Kevin John Villanueva, Pat. Kenneth Cordova at Pat Danny Rangaig
Nag-ugat ang kaso sa reklamo ni Brgy. 313 Sangguniang Kabataan chairman Jericho Laniog, 24, na hinuli ng mga pulis dahil sa paglabag Ordinance 8737 (Metro Wide Curfew).
Magugunitang sinita ng mga pulis si Laniog at kasamahan nito na nakuhanan ng shabu sa Luzon Street sa Maynila.
Hiningan umano ng pera ng mga pulis ang dalawang naarestong violators kapalit nang kanilang kalayaan. Nasa P47,000 ang naibigay ng biktima sa mga pulis makaraang maisanla ang kanilang motorsiklo at alahas.
Nang makalaya nagsampa ng reklamo si Laniog kaya agad namang inaresto ang mga sangkot na pulis.
- Latest