^

Metro

5 ‘tulak’ huli sa Makati

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Limang ‘tulak’ umano ng iligal na droga ang  naaresto ng mga tauhan ng Makati City Police, kung saan nasamsam sa mga ito ang   P183,600 halaga ng shabu, sa  isinagawang buy-bust operation, sa Barangay Pio Del Pilar, Makati City, kamakalawa.

Kinilala ni P/Col. Harold  Depositar, hepe ng  Makati City Police  ang mga suspek na sina Abelardo Marcelo, alyas Mike, 42; isang alyas Lyn, 18;  Eduardo Lozada, 41;  Eoje Rustine Albania, alyas Yuds, 22; at Jeric Cate, 23.

Sa ulat, dakong alas-3:05 ng hapon nang isagawa ang buy-bust ng mga tauhan ng SDEU, Intelligence Section, at Sub-Station 3 ng Makati Police laban sa mga suspek sa  San Antonio Street, Brgy. Pio Del Pilar.

Nasamsam mula sa kanila ang nasa 43 plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 27 gramo katumbas ng halagang 183,600.00,  isang cellphone, 2 coin purse, isang plastic box at ang ginamit na marked money sa operasyon.

Isinailalim na sa inquest proceedings ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

vuukle comment

PIO DEL PILAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with