Usok sa Metro Manila, gawa ng tao at hindi mula sa bulkan - Phivolcs
MANILA, Philippines — Gawa ng tao at hindi mula sa Bulkang Taal ang namataang usok sa Metro Manila.
Ayon kay Director Renato Solidum ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang nakikitang usok sa Metro Manila ay polusyon mula sa mga sasakyan at pabrika.
Anya ang volcanic plume mula sa Taal ay nadadala ng hangin sa may hilagang silangan ng bansa at hindi sa Metro Manila.
“The haze in Metro Manila is from the ground up and noticeable especially in the morning and along major roads,” sabi ni Solidum.
Dulot nito, pinayuhan ng Phivolcs ang mga taong may sakit sa baga at puso pati na ang mga bata, buntis, at mga senior citien na manatili na lamang sa tahanan kung wala namang importanteng lakad sa labas para maingatan ang kanilang kalusugan.
Kung lalabas naman ng tahanan ay mas mainam umano na magsuot ng N95 mask upang maproteksyunan ang mga sarili sa virus at polusyon.
- Latest