Parak, sinibak sa pagbabanta sa kapitbahay habang umiinom
MANILA, Philippines — Sinibak ng Quezon City People’s Law Enforcement Board (PLEB) ang isang pulis dahil sa matinding pagbabanta sa kapitbahay habang umiinom may ilang beses noong nakaraang taon sa Bara-ngay Pasong Tamo, QC.
Sa apat pahinang desisyon, dinismis sa serbisyo si P/Staff Sgt. Audie Biscarra matapos mapatunayang guilty sa grave misconduct, oppression at conduct unbecoming of a police officer.
Dulot nito, kanselado ang eligibility ni Biscarra, walang makukuhang retirement benefits at hindi na maaaring pumasok pa ulit sa trabaho sa alinmang tanggapan ng gobyerno.
Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ng isang Vilma Ballao, na sa tatlong insidente ay nagbanta na sasaktan nito ang kanyang anak.
Noong May 15, 2020, matapos na makipag-inuman at walang suot na face mask, binantaan ni Biscarra si Jason Ballao, anak ng complainant.
Ang ikalawang insidente ay naganap dalawang araw makaraan nito noong May 17, 2020 nang lasing si Biscarra ay nagsisigaw at binantaan ang pamilya Ballo.
Ang ikatlong insidente ay noong August 20, 2020, na habang lasing si Biscarra ay inilabas niya ang baril sa harap ng maraming tao at saka nagtungo sa bahay ng mga Ballao at sinabi sa isang Brylle Ballao na papatayin niya ito at babarilin.
Napatunayan namang totoo ang bintang ng mga Ballao laban sa pulis nang makita ang CCTV footage sa barangay.
Una nang nasuspinde ng NCRPO si Biscarra nang hindi pumasok sa trabaho na hindi nag-file ng leave.
“Time and again, the Quezon City police have proven that they act with utmost professionalism and integrity. However, we will not to-lerate abusive behavior by the police,” pahayag ni QC Mayor Belmonte.
- Latest