38 Kadamay member, guilty sa trespassing
MANILA, Philippines — Hinatulang guilty ng Quezon City Metropolitan Trial Court sa kasong trespassing sa ilalim ng Article 281 ng Revised Penal Code ang 38 miyembro ng Kadamay na ilegal na pumasok sa isang bakanteng lote sa Brgy. Tandang Sora Quezon City halos may apat na taon na ang nakalilipas.
Pero sa halip na pagkakakulong ay minimal na P200 na multa lamang bawat isa ang ipinataw ng korte sa mga akusado.
Ayon kay QCMTC Branch 43 Judge Don Ace Mariano Alagar, naiintindihan ng korte ang mga akusado na itinulak lamang ng pagkakataon at sirkumstansiya kaya’t multa na lang ang iginawad sa kanila.
Sa ilalim ng Republic Act no. 10951 itinaas na sa P40, 000 ang penalty sa kasong Trespassing noong July 2017, tatlong buwan bago ilegal na pumasok ang mga akusado kaya’t ang dating multa ang ini-aplay ng korte.
Matatandaang Abril 2, 2017 nang okupahan ng mga miyembro ng Kadamay ang lupa na dating kinatitirikan ng kanilang bahay matapos paalisin dito noong July 2016.
- Latest