P100 milyong fake goods nakumpiska ng BOC-MICP
MANILA, Philippines — Kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng Manila International Container Port (MICP), ang may P100 milyong ha-laga ng mga fake goods sa isang storage facility sa Tondo, Manila kamakailan.
Bilang bahagi ito ng commitment ng BOC na mapigilan ang pagkalat ng mga peke at smuggled goods sa bansa.
Sa pamamagitan ng isang Letter of Autho-rity (LOA) na inisyu ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ininspeksiyon ng grupo na pinamumunuan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng MICP, sa pakikipag-koordinasyon sa National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine Coast Guard (PCG), ang naturang storage facility noong Enero 25.
Dito nila nadiskubre ang mga Intellectual Property infringing items gaya ng mga bags, na may tatak na Louis Vuitton, Gucci at Chanel at mga hindi rehistradong face shields, face masks, fake medicines, at mga pekeng sabon, o kabuuang P100 milyon ang halaga.
Kabilang sa mga face masks na nadiskubre ay may tatak na AIDELAI™ na ipinagbabawal na ng Food and Drug Administration (FDA) na gamitin at ipagbili, alinsunod sa inisyu nitong Advisory No. 2021-0011.
Nabatid na nagsasagawa na ng masu-sing imbestigasyon at inventory ang mga awtoridad para matukoy ang mga taong responsable sa mga naturang fake goods, para sa kaukulang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 0863 o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at The Intellectual Pro-perty Law of the Philippines.
- Latest